Sampung (10) Pilipinong Salita na Bihirang Gamitin

1. Pariugat – Filipino ng “square root”
Halimbawa:
•Ang pariugat ng siyam ay tatlo.

2. Dapit-hapon – oras kung kailan lumulubog ang araw bago gumabi
Halimbawa:
•Umuuwi si Toni tuwing dapit-hapon galing sa trabaho.

3. Sipnayan – asignaturang Matematika
Halimbawa:
•Simula noon bata pa ako, sipnayan ang paborito kong asignatura.

4. Salumpuwit – upuan
Halimbawa:
•Pakatapos ng mahabang oras na nakatayo, naghanap si Armand ng salumpuwit upang mapahingahan.

5. Balarila – gramatika ng Wikang Filipino
Halimbawa:
•Si Sassy ay madaling mairita sa mga maling balarila ng mga post sa Facebook.

6. Kalupi – pitaka
Halimbawa:
•Tuwing katapusan ng buwan, busog ang kalupi ni Karlo.

7. Dagitab – kuryente
Halimbawa:
•Napadali ang pamumuhay ng tao dahil sa pagkadiskubre ng dagitab.

8. Asoge – Filipino ng “Mercury”
Halimbawa:
•Isa sa mga karatig planeta ng mundo ay ang Planetang Asoge.

9. Salongganisa – panlalaking panloob na kasuotan
Halimbawa:
•Si Mario ang naglalaba ng kanyang mga ginagamit na salongganisa.

10. Katipan – taong lubos na minamahal
Halimbawa:
•Pinakasalan muli ni Cardo ang kanyang katipan na si Alyanna.